^

Probinsiya

Lider ng KFR nalambat

-
CAMP CRAME – Nahulog sa kamay ng batas ang isang notoryus na lider ng kidnap-for-ransom (KFR) gang na No. 6 sa watchlist matapos na matunton ng mga awtoridad ang pinagtataguan nito sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling-araw sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ni National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) Chief Angelo Reyes ang nasakoteng suspek na si Feliciano Laygo, lider ng Laygo KFR syndicates sa bansa.

Sinabi ni Reyes na si Laygo ay may standing warrant of arrest sa serye ng kaso ng kidnapping ay nasakote ng pinagsanib na elemento ng NAKTAF, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at San Pablo City Police bandang alas-2:45 ng madaling-araw sa hideout nito sa Brgy. Lagalag, Tiaong, Quezon.

Nasamsam mula sa pag-iingat ni Laygo ang isang Thompson Submachine gun at cal. 45 na may isang magazine na puno ng mga bala.

Nabatid kay Reyes na ang grupo ni Laygo ang responsable sa pagdukot sa negosyanteng Tsinoy na si Sonny Tan sa San Juan, Batangas.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na sangkot rin ang grupo ni Laygo sa pagdukot kay Petronilla Lanting noong Abril 30, 2003; Danilo Tiu noong Mayo 23, 2003 at Rubilyn Chua noon namang Agosto 23, 2003.

Sa rekord ng pulisya, si Laygo ay minsan nang nadakip noong Agosto,1999 pero nakatakas kasama ang limang iba pa sa Quezon City Jail noong Pebrero 11, 2003.

Ayon pa kay Reyes, ang pagkakadakip kay Laygo ay resulta ng may isang buwang intelligence operations sa Tiaong, Quezon matapos magbigay ng impormasyon ang tipster na sibilyan sa kanila sa namataang presensiya ng suspek sa lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

AGOSTO

CHIEF ANGELO REYES

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO TIU

FELICIANO LAYGO

JOY CANTOS

LAYGO

QUEZON

REYES

TIAONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with