Anak ng kawal na dinukot nailigtas
March 10, 2004 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Makaraan ang 20 araw na pagkakabihag simula pa noong Febrero 19, 2004 ay nailigtas sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf ang isang 7-anyos na batang babae matapos na salakayin ang pinagkukutaan ng mga bandido sa Sitio Bulongan Cuppoan, Barangay Jinggan kahapon ng madaling-araw. Kasalukuyang nasa kampo ng 104th Army Brigade ang biktimang si Rachel Ann Gojit na anak ni Phil. Marines Master Sgt. Eddie Gojit ng 3rd Marine Company. Ayon sa ulat, ang biktima ay kinidnap ng mga tauhan ni Al-Kimer Askad, alyas Jurdan sa Panglima Estino, Sulu bago nailigtas ng tropa ng 35th Infantry Battalion at mga pulis-Talipao. (Ulat ni Roel D. Pareño)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest