^

Probinsiya

Piloto nasaktan sa emergency landing

-
ILIGAN CITY - Isang chopper ng Philippine Air Force (AFP) na nagsasagawa ng aerial operation bilang suporta sa operasyon ng militar sa Maguindanao ang nag-emergency landing sa Barangay Pinagpandan, Pantar, Lanao del Norte na naging dahilan para masaktan ang piloto subalit nakaligtas naman ang dalawang kasama nito.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang pilotong si 1st Lt. Rey Cabierta na dumaing na masakit ang likurang bahagi ng katawan. Napag-alaman sa ulat na ang chopper na nakabase sa Zamboanga City ay patungo sana sa kampo ng Army’s 4th Infantry Division sa Cagayan de Oro City. Ayon sa ulat, nagkaroon ng diperensya sa makina ng chopper habang nagsasagwa ng operasyon kaya nag-emergency landing. (Ulat ni Lino dela Cruz),/B>
P2.8m Palengke Nasunog
CAMP CRAME - Tinatayang aabot sa P2.8 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang pamilihang bayan ng Nabas, Aklan, ayon sa ulat kahapon. Naitala ang sunog dakong alas-2:30 ng madaling-araw at naapula lamang bandang alas-5 ng umaga na nagresulta upang maabo ang sampung tindahan sa loob ng palengke. Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan dahil na rin sa mabilis na responde ng mga pamatay-sunog mula pa sa karatig pook. Patuloy na inaalam ang mga awtoridad kung ang naganap na sunog ay sinadya o kaya naman nagmula sa dispalinghadong linya ng kuryente na posibleng nag-init kaya lumikha ng apoy. (Ulat ni Joy Cantos)
4 Turkish Tiklo Sa Panunuba
CAMP CRAME - Apat na Turkish ang iniulat na dinakip ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng kahera ng pet shop ang mga suspek ng panunuba sa Buhangin, Davao City kamakalawa. Naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Allyne Horuz, 44; Hakan Sarpkya, 23; Ozel Velit, 32 at Liran Erlan, 24 na pawang naka-billet sa Seaside resort sa Toril ng nasabing lungsod. Nabatid pa sa ulat na ang mga suspek ay magkukunwaring magpapalit ng dalang pera subalit sinalisihan ang may-ari ng establisamento at maninikwat ng mamahaling gamit-bahay. Nakumpiska sa apat ang puting kotse na may plakang TNP-347, dalawang cellphones at kamera. (Ulat ni Joy Cantos)
3 Karnaper Nasakote
Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng malaking sindikato ng carnapping ang dinakip ng pulisya makaraang salakayin ang pinagkukutaan sa Barangay San Antonio, Biñan, Laguna. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na si Cenon Pascual, dating opisyal ng Philippine Army; Romeo Demaranan at Michael Santos. Base sa ulat, ang tatlo ay dinakip sa bisa ng warrant arrest na inisyu ni Judge Josefina Siscar ng Binan Municipal Trial Court sa kasong carnapping sa Laguna. Napag-alaman pa sa imbestigasyon na ang tatlo ay responsable sa pagkawala ang hindi nabatid na bilang ng sasakyan na binubura ang numero ng makina at chassis saka ipinagbibili sa murang halaga. (Ulat ni Ed Amoroso)

ALLYNE HORUZ

BARANGAY PINAGPANDAN

BARANGAY SAN ANTONIO

BINAN MUNICIPAL TRIAL COURT

CENON PASCUAL

DAVAO CITY

ED AMOROSO

JOY CANTOS

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with