^

Probinsiya

Ex-vice mayor at misis kinidnap

-
KAMP SIMEON OLA - Sa hindi pa mabatid na dahilan ay kinidnap ang dating vice mayor at misis nito ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na pasukin ang bahay ng mag-asawa sa Barangay Duran Balatan, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Nagsasagawa na nang pagtugis ang tropa ng militar at pulisya para mailigtas ang mga biktimang sina Felix Abaño, dating bise alkalde at asawa nitong si Pilar Abaño na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Kinidnap din si SPO1 Edgar Igsoc matapos pasukin ang bahay nito dakong alas-7:30 ng gabi.

Sa imbestigasyon ng pulisya na isinumite kay P/Chief Supt. Jaime Lasar, Bicol police provincial director, magkakasunod na pinasok ng mga rebelde ang bahay ng mga biktima.

Ayo pa sa ulat, unang pinasok ang bahay ni P/Senior Insp. Francisco Casida subalit walang dinatnang tao kaya nagtuloy sa bahay ng dating alkalde at tirahan ni Igsoc kaya naganap ang insidente.

Tinangay pa ng mga rebelde ang baril na 9mm, handheld radio, dalawang cellphone, uniporme ng pulis at mahahalagang dokumento.

Hindi pa nabatid ng mga awtoridad kung ang bahay ni SPO2 Romeo Junio ay pinasok din ng mga rebelde dahil may nakakita na binabantayan ng grupo ng NPA rebels.

Patuloy naman ang operasyon laban sa mga rebelde upang mailigtas ang mga biktima na walang hinihinging ransom. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY DURAN BALATAN

CAMARINES SUR

CHIEF SUPT

ED CASULLA

EDGAR IGSOC

FELIX ABA

FRANCISCO CASIDA

JAIME LASAR

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with