^

Probinsiya

Alkalde, anak itinumba

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang alkalde ng Hindang, Leyte at anak nitong lalaki ng mga hindi kilalang armadong lalaki habang ang mga biktima ay nasa pantalan ng Cebu City kahapon.

Napuruhan sa dibdib ng bala ng si Hindang, Leyte Mayor Roy Jumaoas, 42, samantalang tinamaan naman sa leeg ang anak nitong si Jay matapos na ratratin dakong alas-6 ng gabi.

Base sa inisyal na ulat mula sa Camp Crame, ang mag-ama ay nakatayo sa panulukan ng General Maxilon at Jaco Salem Street sa harap ng gasolinahan nang sumulpot ang mga hindi kilalang armadong lalaki.

Dahil sa biglaang pangyayari ay hindi na nakaganti pa ang mag-ama dahil sa tindi ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman pa sa ulat na ang mag-ama ay ika-34 at 35 biktimang napapaslang sa panimula ng halalan simula pa noong Disyembre 2003. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

CEBU CITY

DAHIL

DISYEMBRE

GENERAL MAXILON

HINDANG

JACO SALEM STREET

JOY CANTOS

LEYTE

LEYTE MAYOR ROY JUMAOAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with