^

Probinsiya

Misis tinodas ni mister bago nagbaril sa sarili

-
CABANATUAN CITY – Dahil sa ayaw ng mister na mamasukan sa Maynila ang kanyang misis ay nagawa nitong pagbabarilin hanggang sa mapatay ang asawa bago binoga ang sarili subalit himalang nakaligtas kamakalawa ng hapon sa Purok Matatag, Barangay Barrera, Cabanatuan City.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril ang biktimang si Resurreccion "Raquel" Paulino, samantalang nakikipaglaban naman kay Kamatayan ang asawang si June Paulino sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Fernando Tanghay, naitala ang insidente dakong alas-3 ng hapon matapos na komprontahin ng lalaki ang sariling misis tungkol sa pamamasukan nito ng trabaho sa Maynila.

Ayon pa sa ulat, pinakiusapan ng lalaki ang kanyang misis na manatili na lamang sa nasabing lungsod subalit matatag ang desisyon ng babae na umalis patungo ng Maynila hanggang sa maganap ang pamamaslang.

Tinangka naman mag-suicide ng lalaki subalit himalang nakaligtas at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BARRERA

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

DR. PAULINO J

FERNANDO TANGHAY

GARCIA HOSPITAL

JUNE PAULINO

MAYNILA

PUROK MATATAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with