2 todas sa atake ng Abu
March 4, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Pinaulanan ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ng mga bandidong Abu Sayyaf Group bago pinasok ang bahay ng retiradong opisyal ng militar na ikinasawi ng mag-ama at dinukot naman ang anim-katao sa naganap na karahasan sa Sitio Tubig Gata, Panglima Sugala, Tawi-Tawi, ayon sa ulat kahapon.
Napuruhan ang mag-amang sina Rodrigo Ajejandro at Johnny Alejandro na kapwa katiwala sa bahay ni Ret. Major Perfecto Reyes ng Armed Forces of the Phil. (AFP).
Kabilang sa dinukot ng Sayyaf ay nakilalang sina Carmen Alejandro, Rowena Alejandro at apat na tinukoy lamang sa palayaw na Dodoy, Michelle, Hadji at Pochong.
Base sa naantalang ulat, naitala ang insidente dakong alas-5:35 ng hapon matapos na lusubin ng mga bandido ang naturang lugar at pasukin ang bahay ng pamilya Reyes na ikinasawi agad ng mag-amang Alejandro.
May teorya ang pulisya na puntirya ng mga bandido si Ret. Major Perfecto Reyes subalit hindi nadatnan kaya dinukot ang pamilya ng katiwala saka tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Agad naman nagsagawa ang follow-up operation ang mga elemento ng Phil. Marines kaya nailigtas ang mga biktima kamakalawa dakong alas-7 ng gabi matapos na abandonahin ng mga bandido. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest