1 tigok, 25 sugatan sa sakuna
March 3, 2004 | 12:00am
LEGAZPI CITY Maagang kinalawit ni Kamatayan ang isang 22-anyos na babae habang 25 naman ang nasugatan makaraang bumaligtad at mahulog sa bangin ang sinasakyang pampasaherong bus ng mga biktima kamakalawa ng gabi sa Barangay Del Rosario, Pilar, Sorsogon.
Naipit sa loob ng bus ang namatay na si Charlene Fercarecia ng Katubig, Northern Samar habang ang drayber (EVE-316) ng bus na si Bobby Obas ay sumuko sa pulisya. Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol ang Cristine Marian Victoria bus dahil sa madulas na kalsada bago bumaligtad at bumulusok sa bangin na ikinasawi ang dalaga. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended