Banggaan ng dyip at van, 2 katao patay
March 3, 2004 | 12:00am
HERMOSA, Bataan Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi samantalang lima naman ang malubhang nasugatan makaraang magbanggaan ang owner-type dyip at van sa kahabaan ng Roman Expressway na sakop ng Barangay Palihan, Hermosa, Bataan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang namatay na biktimang sina Bernabe Cipriano ng Sto. Rivas, Balanga City at Isabel Paguio ng Pilar, Bataan. Ginagamot naman sa Dinalupihan Emergency Hospital sina Jonas Rativo, Schierlyn Silva, Atena Cipriano, Precy Caling at Exequel Caling.
Sa isinumiteng ulat ng imbestigador kay P/Chief Insp. Danilo Viola, police chief ng Hermosa police station, naitala ang aksidente dakong alas-8:20 ng umaga matapos na mawalan ng kontrol ang owner-type jeep (DEU-882) na minamaneho ni Jonas Rativo.
Ayon pa sa impormasyon nakalap ng pulisya, nataranta ang katabi ni Jonas na si Bernabe kaya inagaw nito ang manibela subalit hindi napansin ang kasalubong na van na minamaneho naman ni Exequel Caling kaya naganap ang aksidente. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest