33 pulis nag-aklas vs police chief
March 3, 2004 | 12:00am
TANAUAN CITY, Batangas Tumitindi ang tensyon at posibleng mauwi sa madugong insidente ang magaganap sa himpilan ng pulisya sa Tanauan City makaraaang magbantang babarikadahan ng 33 pulis at sibilyan employees ang harapan ng naturang PNP station kapag pinabalik ang sinibak na police chief noong Enero 30, 2004 dahil sa pagkakapuga ng limang preso.
Karamihan sa mga tauhan ng pulisya ay lumagda na ng petition paper laban kay P/Supt. Efren Ramos na kinasuhan ng administratibo at kriminal.
Si Ramos ay pansamantalang sinibak sa puwesto noong Enero 30, 2004 matapos na makapuga ang limang preso mula sa Tanauan City police jail subalit nilinis ang kanyang pangalan at ipinag-utos ng mga nakatataas na opisyal ng pulis mula sa Camp Crame na muling bumalik sa naturang himpilan.
"Ipa-padlock namin ang gate ng presinto at sabay-sabay kaming magre-report sa Crame pag naibalik dito si Col. Ramos," ani ng opisyal ng pulis-Tanauan.
Ayon naman sa isang opisyal ng pulis na tumangging ipabanggit ang pangalan, kontrolado ni Ramos ang issuance ng surety bonds sa mga detinido kapalit ng komisyon mula sa insurance company.
Sa sinumpaang salaysay ng 33 opisyal ng pulis na isinumite kay Tanauan City prosecutor Benito Tercero, inakusahan nila si Ramos na lumabag sa umiiral na batas partikular na ang programang "Mamayan Muna Bago mamaya Na," pagbibitiw ng maanghang na pananalita sa kanyang mga tauhan kahit na sa harapan ng mga sibilyan.
Pinabulaanan naman ni Ramos ang lahat ng akusasyon laban sa kanya ng 33 opisyal ng pulis-Tanauan at naniniwala siyang may nag-uudyok para mag-aklas ang naturang grupo. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest