^

Probinsiya

Pulis protektor daw?: Droga at tupada lumalala

-
OLONGAPO CITY – Sa kabila ng parangal na iginawad bilang Region III Best City Police Office sa Olongapo City Police Office (OCPO) sa ilalim ni P/Senior Supt. Orlando Madella Jr., ay hirap at bigo pa rin na maaksyunan ng mga tauhan ng pulisya ang lumalalang problema laban sa illegal na patupadahan at bawal na gamot.

Bukod sa mga hinaing ng mga residente laban sa nasabing isyu ay talamak din sa Olongapo City ang pagbebenta ng mga piniratang VCD’s at DVD’s sa mga bangketa sa mga pangunahing lansangan at karamihan sa mga ibinebenta ay pawang mga malalaswang panoorin.

Ibinulgar naman ng isang mapagkakatiwalaang impormante na talamak ang operasyon ng illegal na mga patupadahan sa Purok 7 na sakop ng Barangay Cabalan na pinaniniwalaang pinoproteksyunan ng mga tiwaling opisyal ng pulisya.

Araw-araw ang operasyon ng patupada na malapit sa himpilan ng pulisya at may namamataang ilang mga naka-unipormadong pulis ang dumadaan sa kabila nang reklamong ipinararating ng mga konsernadong residente.

Gayundin ang problema sa ipinagbabawal na gamot droga sa Perimeter road, Barangay Pag-Asa na patuloy ang bentahan sa mga kabataan mag-aaral.

Sinabi pa ng source sa PSN na ilang tiwaling pulis ang protektor ng mga drug pusher sa nabanggit na lugar kaya patuloy na nakapagbebenta ng droga.

Idinagdag pa ng source na kapag may nahuhuling mga drug pusher ang mga tauhan ng Drug Enforcement Group (DEG) ay kaagad din itong pinalalaya kahit walang isinasampang kaso dahil sa ginagawang pang-a-arbor ng mga protektor na pulis. (Ulat ni Jeff Tombado )

BARANGAY CABALAN

BARANGAY PAG-ASA

BEST CITY POLICE OFFICE

DRUG ENFORCEMENT GROUP

JEFF TOMBADO

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY POLICE OFFICE

ORLANDO MADELLA JR.

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with