Obrero binoga ng empleyado ng munisipyo, todas
February 18, 2004 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Patay ang isang 30-anyos na obrero nang barilin ito sa ulo ng isang empleyado ng munisipyo makaraang magwala ang biktima sa harapan ng bahay ng huli sa barangay San Jose ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Napuruhan ng isang tama ng bala sa ulo ang biktimang si Ricky Gante, residente ng Sitio Hilltop Barangay San Jose ng bayang ito, samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Teodoro Revilla, 47, empleyado ng municipal hall ng Rodriguez na nakatalaga sa municipal planning and development. Ayon kay PO2 Edwin Ignacio, dakong alas-7 ng gabi nang magwala ang lasing na biktima sa harapan ng bahay ng suspek, kinalabog pa ni Gante ang gate ng bahay na ikinainis ng suspek.
Agad na lumabas ng bahay ang suspek bitbit ang baril at ibinaril sa ulo ng biktima na agad nitong ikinamatay. Nakapiit ang suspek sa Rodriguez detention cell habang inihahanda ang kasong homicide laban dito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest