^

Probinsiya

P5M marijuana sinunog

-
CAMP CRAME – Tinatayang aabot sa P5 milyong marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang magkakahiwalay na ‘marijuana eradication’ sa lalawigan ng Kalinga at Ilocos Sur, ayon sa ulat kahapon.

Base sa ulat na nakarating sa tangapan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Executive Director General Undersecretary Anselmo Avenido Jr., dakong alas-10 ng umaga nang salakayin ng mga elemento ng PDEA at Kalinga Provincial Office (PPO) ang plantasyon ng marijuana sa hangganan ng Tabuk at Rizal, Kalinga.

Umaabot sa 4,000 puno ng marijuana at 6,000 pang binhi nito ang narekober sa may 3,000 metriko kuwadradong plantasyon.

Sa isa pang insidente, dakong alas-9 naman ng gabi nang lusubin ng mga awtoridad ang plantasyon ng marijuana sa Tagudin, Ilocos Sur.

Umaabot sa P4 milyon ang nasamsam na mga puno at binhi ng marijuana. Nabigo namang madakip sina Pepito Alcatis, Elvis Gualdo at tatlong tinukoy lamang sa mga alyas na Dolo, Pey-en at Basilio na pawang wanted. (Joy Cantos)

BASILIO

DOLO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ELVIS GUALDO

EXECUTIVE DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ANSELMO AVENIDO JR.

ILOCOS SUR

JOY CANTOS

KALINGA

KALINGA PROVINCIAL OFFICE

PEPITO ALCATIS

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with