Executive ng gobernador binoga
February 17, 2004 | 12:00am
CAVITE Kasalukuyang nakikipaglaban kay Kamatayan ang isang 34-anyos na executive assistant ni Cavite Governor Ayong Maliksi makaraang pasukin ang bahay ng biktima ng dalawang armadong lalaki sa Belveder Town 3, Barangay Pasong Kawayan 2, General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi.
Inoobserbahan sa DLSU Hospital ang biktimang si Diosdado Yoma, binata at residente ang Block 3 lot 5 Phase 3, ng nabanggit na barangay.
Nakilala naman ang mga suspek na sina Paquito Montilla, alyas Pacs at nakilala lamang sa alyas na Emil na tumakas sakay ng motorsiklo na walang plaka.
Base sa imbestigasyon ni PO2 Dominador Encarnacion Jr., bandang alas-10:30 ng gabi nang matiyempuhan ng dalawa ang biktimang nagpapahinga sa loob ng sariling bahay.
Agad na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril at duguang bumulagta ang biktima habang sinisilip ng pulisya ang ibat ibang anggulong may kinalaman sa trabaho ng binata. (Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest