Patayan sa kasalan
February 11, 2004 | 12:00am
Isang 38-anyos na magsasaka ang iniulat na nasawi makaraang saksakin ng kanyang kapitbahay sa idinaos na kasalan sa Barangay Punto Tuntungin, Los Baños, Laguna kamakalawa. Napalitan ng kalungkutan ang masayang kasalan dahil napatay sa saksak ang biktimang si Jerry Vasquez ng kapitbahay na si Francisco Escubido.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naimbitahan ang dalawa sa kasalan at bandang alas-5:30 ng hapon nang magtalo ang biktima at suspek tungkol sa kakulangan ng pagkain hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest