^

Probinsiya

Biyuda naaksidenteng nabaril ng manugang,patay

-
Iriga City – Nagbuwis ng buhay ang isang 66-anyos na biyuda matapos na aksidenteng mabaril ng kaniyang manugang na babae habang inaawat ang nag-aaway na mag-asawa sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Lourdes Hospital ang biktimang kinilalang si Luz Silva, biyuda matapos masapul ng tama ng bala ng .38 caliber pistol sa ulo habang ang suspek ay nakilala namang si Marivic Silva, 37, asawa ng anak ng biktima.

Base sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-6 ng gabi habang ang suspek at ang asawa nitong si Mamerto Silva ay nagtatalo na humantong sa grabeng pag-aaway ng mga ito.

Nasa ganitong sitwasyon ang mag-asawa ng dumating ang matandang babae at pumagitna sa away ng kaniyang anak at manugang subali’t tinutukan ito ng baril sa ulo ng huli.

Sa bilis ng mga pangyayari ay biglang nakalabit ng suspek ang gatilyo ng baril na tumama sa ulo ng biyuda na duguang bumagsak sa sahig.

Humihimas na ngayon ng rehas na bakal sa Iriga City Jail ang suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ED CASULLA

HUMIHIMAS

IRIGA CITY

IRIGA CITY JAIL

LOURDES HOSPITAL

LUZ SILVA

MAMERTO SILVA

MARIVIC SILVA

NAGBUWIS

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with