^

Probinsiya

Principal tinodas sa loob ng paaralan

-
LINGAYEN, Pangasinan – May posibilidad na matinding galit ang naging motibo kaya binaril at napatay ang punong-guro ng elementary school habang ang biktima ay nakaupo sa kanyang opisina sa Barangay Don Montano, Umingan noong Martes ng hapon.

Idineklarang patay sa Eastern Pangasinan District Hospital ang biktimang si Abelardo Magpali, 59, punong-guro ng Don Montano Elementary School at residente ng Barangay Esperanza, Umingan, Pangasinan.

Hindi naman nakilala ang killer na agad na tumakas patungo sa kagubatan ng Caraballo.

Base sa ulat na nakarating sa Pangasinan PNP provincial office, kasalukuyang nakaupo ang biktima sa loob ng kanyang opisina sa nasabing eskuwelahan nang matiyempuhan ng killer.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ipinasok ng killer ang dulo ng shotgun sa bintanang kahoy ng naturang opisina saka pinaputukan ang biktima sa dibdib ng malapitan.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng shotgun at plastic sack.

Wala pang malinaw na motibo sa kasalukuyan nakakalap ang mga awtoridad dahil sa walang lumutang na testigo. (Ulat ni Cezar S. Ramirez)

vuukle comment

ABELARDO MAGPALI

BARANGAY DON MONTANO

BARANGAY ESPERANZA

CARABALLO

CEZAR S

DON MONTANO ELEMENTARY SCHOOL

EASTERN PANGASINAN DISTRICT HOSPITAL

IDINEKLARANG

PANGASINAN

UMINGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with