2 NPA patay sa militar
February 2, 2004 | 12:00am
ZAMBOANGA Dalawang rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang kumpirmadong nasawi samantalang isa naman militiaman ang nasugatan sa naganap na sagupaan ng dalawang magkalabang panig sa liblib na bahagi ng Davao del Norte kamakalawa. Pansamantalang bineberipika pa ang pangalan ng dalawang rebelde matapos ang madugong sagupaan, ayon kay Lt. Renoir Pascua, tagapagsalita ng militar na nakabase sa katimugang bahagi ng bansa. May teorya ang militar na nangangalap ng revolutionary tax ang mga rebelde dahil sa nalalapit na halalan nang makasagupa ng militar. (Ulat ng AFP)
CAMP AGUINALDO Limang sibilyan na pinaniniwalaang notoryus sa pagtutulak ng bawal na gamot ang dinakip ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa Purok Bagong Silang, Sto. Niño, South Cotabato kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Nelson Lamasan, Edgar Porras, Cherryl Suedad, Jay-ar Lacsi at Ronald Suedad. Base sa ulat, positibong nagbebenta ng droga ang mga suspek kaya isinagawa ang drug bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng pitong plastic sachet ng shabu, dalawang shotgun at mga gamit sa droga. (Ulat ni Joy Cantos)
CAMP AGUINALDO Isang mining surveyor ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa pag-aakalang espiya ng militar sa Sitio Makong Lamsuan, Barangay Maisong, South Cotabato kamakalawa. Nakikipaglaban kay kamatayan sa South Cotabato Provincial Hospital ang biktimang si Nelson Collado, empleyado ng Tampakan Mineral Resources Corp. Napag-alaman na tinambangan ang biktima dakong alas-3:30 ng hapon habang nagsasagawa ng survey at inakalang espiya ng militar sa naturang lugar. (Ulat ni Joy Cantos)
GUINOBATAN, Albay May posibilidad na matinding problemang pampamilya ang dinanas ng isang 19-anyos na estudyanteng babae kaya nagdesisyong mag-suicide sa inuupahang boarding house sa Barangay Iraya sa bayang ito kahapon ng umaga. Natagpuan ng mga kaibigan ang bangkay ng biktimang si Bernadette Dalma, 2nd year high school sa Republic College ng Guinobatan at residente ng Barangay Balanac, Ligao City. Natagpuan din ang suicide note ng biktima na naka-address sa kanyang magulang at kapatid. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended



















