3 obrero na kinidnap naisalba ng pulisya
January 26, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Tatlong manggagawa na dinukot ng grupong taksil sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nailigtas ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang search and rescue operations sa Lanao del Sur, kamakalawa.
Kabilang sa nasagip na biktima ay sina Jesus Danile, dumptruck driver; dalawang tinukoy lamang sa pangalang Ronnie at Daniel; pawang pahinante sa Al Hussein Construction.
Base sa ulat, bandang alas-9 ng gabi nang mailigtas ng mga nagrespondeng elemento ng 1504rth Provincial Police Mobile Group (PPMG) at Madamba Municipal police station (MPS) ang mga biktima matapos matukoy ang pinagtataguan sa bisinidad ng Brgy. Cabasaran, Madamba.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ang tatlo ay dinukot nitong nakalipas na Enero 22 matapos harangin ang dumptruck na kinalululanan ng mga ito habang bumabagtas sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Poblacion, Madamba, Lanao del sur bandang alas- 4:30 ng hapon.
Lumilitaw pa sa pagsisiyasat na personal na galit at extortion sa may-ari ng nasabing construction na pag-aari ni Engineer Cosain Dalicdig ang motibo ng mga rebelde sa pagdukot sa mga biktima.
Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng mga awtoridad upang madakip ang mga nakatakas na kidnappers. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest