^

Probinsiya

Coed pinagsasaksak habang naglalakad

-
TIWI, Albay – Isang 19-anyos na dalaga ang hindi na umabot ng buhay sa pagamutan matapos na ito ay pagsasaksakin ng di-nakilalang suspek habang naglalakad papauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Cararayan sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Jocelyn Climaco, isang estudyante at residente sa naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-7:30 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa kanilang bahay nang ito ay tambangan ng suspek na pinaghihinalaang adik at pagsasaksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang biktima ay natagpuan ng ilang mga residente na napadaan sa naturang lugar na nakahandusay sa tabi ng kalsada kaya’t dinala sa Taftworks Hospital subalit namatay ito sa daan pa lamang.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng pananaksak ng suspek na hindi pa nakikilala. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BATAY

BRGY

CARARAYAN

ED CASULLA

ISANG

JOCELYN CLIMACO

NAKILALA

TAFTWORKS HOSPITAL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with