^

Probinsiya

3 eskuwelahan nasunog

-
KAMPO SIMEON OLA – Aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang tatlong eskuwelahan sa magkakahiwalay na bayan sa Kabikulan kamakalawa.

Sa ulat na isinumite kay Police Chief Supt. Jaime Lasar, Bicol provincial director, bandang alas-10:30 ng umaga ng unang nasunog ang Camagong Elementary School sa Barangay Camagong Oas, Albay.

Tinupok ng apoy ang tatlong silid-aralan bago pa maapula ang sunog na tumagal ng isang oras.

Kasunod nito ay nasunog naman ang Malabog National High School sa Barangay Malabog, Daraga dakong alas-11:45 ng umaga. Limang silid-aralan naman ang nilamon ng apoy bago pa maapula.

Napag-alaman pa na tatlong oras matapos na maapula ang sunog sa Barangay Malabog ay tinupok naman ng apoy ang Albay Central School sa Legaspi City na ikinawasak ng limang silid-aralan at bahagyang nasira ang dalawa pa.

Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na tatlong sunog at kasalukuyang pang sinisiyasat ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa tatlong eskuwelahan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AABOT

ALBAY CENTRAL SCHOOL

BARANGAY CAMAGONG OAS

BARANGAY MALABOG

CAMAGONG ELEMENTARY SCHOOL

ED CASULLA

JAIME LASAR

LEGASPI CITY

MALABOG NATIONAL HIGH SCHOOL

POLICE CHIEF SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with