^

Probinsiya

700 preso inilikas dahil sa sunog

-
ANTIPOLO CITY – Umaabot sa 700 preso mula sa pitong selda ng Antipolo City Jail ang inilikas makaraang masunog ang pamilihang bayan na katabi nito kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SFO3 Rico Anore, tinupok ng apoy ang ikalawang palapag ng Antipolo Public Market sa Barangay San Roque dakong alas-11:45 ng gabi.

Dahil sa pangambang kumalat ang apoy sa kinaroroonan ng mga preso ay minabuti ni Supt. Primitivo Tabujara, hepe ng pulisya sa Antipolo City ilikas sa ibang gusali sa di kalayuan ang mga preso.

Binantayan naman ng 40 unipormadong pulis at jailguard ang mga presong inilikas mula sa nasabing kulungan.

Umabot na sa 3rd alarm ang sunog at agad naman naapula ang apoy ng mga nagrespondeng bombero mula sa Antipolo, Taytay at Cainta.

Wala naman iniulat na nasawi o malubhang nasugatan sa naganap na sunog. (Ulat ni Edwin Balasa)

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY JAIL

ANTIPOLO PUBLIC MARKET

AYON

BARANGAY SAN ROQUE

BINANTAYAN

CAINTA

EDWIN BALASA

PRIMITIVO TABUJARA

RICO ANORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with