20-anyos patay sa gulpi ni tserman
December 26, 2003 | 12:00am
Sta. Barbara, Pangasinan Isang sibilyan ang nasawi matapos na bugbugin ng isang brgy. chairman sa bayang ito kamakalawa ilang oras bago mag-noche buena para sa pagdiriwang ng pasko.
Kinilala ang biktima na binawian ng buhay habang ginagamot sa Mapandan District Hospital na si Michael Telamisan, 20 anyos ng Brgy. Lambayan sa bayan ng Mapandan.
Pinaghahanap naman ang suspek na mabilis na tumakas na si brgy. chairman Jose Aquino ng Brgy. Leet, Sta. Barbara.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bago umano naganap ang pambubugbog ay nasakote ng mga opisyal ng barangay ang naturang sibilyan dahilan sa pangugulo sa isang carnival sa nasabing lugar.
Habang iniimbestigahan umano si Telamisan ay pinagsusuntok at pinagsisipa ito ng nairitang brgy. chairman hanggang sa mamilipit sa sakit at mapahiga sa semento.
Bunga ng grabeng pananakit ni Aquino ay dumugo ang ulo ng biktima sa tinamong matinding sugat at mabilis na isinugod sa Mapandan Community Hospital.
Gayunman, idineklara ng dead on arrival ang biktima sa nasabing pagamutan. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest