^

Probinsiya

3 katao niratrat

-
CAMP CRAME – Tatlo katao kabilang ang isang negosyante ang binistay ng bala hanggang sa mapaslang ng dalawang di pa nakilalang salarin na pinaniniwalaang mga ‘hired killers’ sa naganap na madugong insidente sa Davao City kamakalawa.

Dead on arrival sa Davao Medical Center ang mga biktimang kinilalang sina Rodel Tungula, may-ari ng Clemens Carwash Shop sa lungsod; Eliong Rivera, Carwash Shop Manager at Richie Limboran.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng pulisya ang anggulong kumpetisyon sa negosyo at love triangle ang motibo ng pamamaslang.

Sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon noong Huwebes habang ang mga biktima ay nakaupo sa isang bangko sa harapan ng nasabing Carwash Shop na pag-aari ng nasabing negosyante na matatagpuan sa kahabaan ng J.P. Cabagio Avenue sa Agdao District, Davao City nang biglang sumulpot ang dalawang motorcycle riding men.

Walang sabi-sabing bigla nalamang niratrat ng mga suspek ang mga biktima na armado ng handgun.

Nabatid na si Limboran ay nadamay lamang sa insidente dahilan binibisita nito ang isa niyang kaibigan na isang carwash boy sa sa shop ni Tungula. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AGDAO DISTRICT

CABAGIO AVENUE

CARWASH SHOP

CARWASH SHOP MANAGER

CLEMENS CARWASH SHOP

DAVAO CITY

DAVAO MEDICAL CENTER

ELIONG RIVERA

JOY CANTOS

RICHIE LIMBORAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with