^

Probinsiya

Ama tinodas ng anak

-
CAMARINES NORTE – Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 60-anyos na ama ng sariling anak makaraang hindi magkaintindihan sa pinagtalunang isyu sa Purok 4, Barangay Macogon, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Nicanor Caballero, isang barangay tanod, samantalang ang suspek na anak ay nakilala naman Freddie, 32 na ngayon ay ginagamot sa Camarines Norte Provincial Hospital dahil sa tinamo rin tama ng itak sa mukha. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na sinugod ng ama ang kanyang anak dala ang itak matapos na mag-inuman ng alak. Kahit na tinamaan ng itak sa mukha ang anak ay nakuha pa nitong itakin ang kanyang ama na ikinasawi naman ng matanda. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

BARANGAY MACOGON

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

FRANCIS ELEVADO

FREDDIE

KAHIT

KINILALA

LABO

NAPAG

NICANOR CABALLERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with