^

Probinsiya

2 magkaibigan patay sa 6 wheeler truck

-
Tabaco City, Albay – Halos napisak ang katawan ng dalawang magkaibigan matapos na mabangga ng isang humahagibis na 6-wheeler truck ang sinasakyang motorsiklo sa naganap na sakuna sa national highway ng lungsod na ito kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Francisco Ofer, 32, may-asawa at Earl Realizan, pawang residente ng Purok 6, Brgy. San Ramon Tabaco City. Agad namang sumuko ang driver ng truck na si Resurecion Gaza, 39, may asawa, driver at residente ng Brgy. Binitayan, Malilipot ng lalawigan.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-6:30 ng umaga habang ang mga biktima ay nakasakay sa isang Suzuki motorcycle na may plalang EJ-2569 na bumabagtas sa kahabaan ng naturang highway. Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng 6-wheeler truck na may plakang CEW-997 na sa bilis ng takbo ay nabundol ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima. Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sa motorsiklo ang mga biktima na nagulungan pa ng truck. Kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing pagsisiyasat ang kaso. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BATAY

BINITAYAN

BRGY

EARL REALIZAN

ED CASULLA

FRANCISCO OFER

RESURECION GAZA

SAN RAMON TABACO CITY

TABACO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with