^

Probinsiya

2 negosyanteng Koreano niratrat

-
CAMP CRAME – Dalawang negosyanteng Koreano ang nasawi habang sugatan naman ang kanilang asawa makaraang pagbabarilin ng dalawang di-nakilalang kalalakihan sa Lapulapu City, Cebu, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Cho Yoon Sik at Kim Suk Sun, kapwa 53, at residente ng Pacific Grand Villa na matatagpuan sa Marigondon, Lapulapu City ng nasabing lalawigan. Si Sik ay idineklarang patay sa Lapulapu Community Hospital habang si Sun ay binawian naman ng buhay sa emergency room.

Base sa ulat, ang pananambang ay naganap sa kahabaan ng national highway ng lungsod patungo sa Pacific Grand Villa bandang alas-10 ng gabi.

Lulan ang mga biktima ng Mitsubishi Spacewagon na may plakang GFC-549 nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong lalaki.

Ang mga biktima ay sinaklolohan naman ng isang tinukoy sa pangalang John Loro, empleyado ng Cebu Beach Resort na siyang nagsugod sa mga ito sa pagamutan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CEBU BEACH RESORT

CHO YOON SIK

JOHN LORO

JOY CANTOS

KIM SUK SUN

LAPULAPU CITY

LAPULAPU COMMUNITY HOSPITAL

MITSUBISHI SPACEWAGON

PACIFIC GRAND VILLA

SI SIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with