^

Probinsiya

Brodkaster patay sa ambush

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Tinambangan at napatay ang sikat na brodkaster ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay papauwi sakay ng motorsiklo sa Sitio Mataungao, Brgy. Togbo, Masbate City kahapon ng umaga.

Limang bala ang tumapos sa buhay ni Nelson Nadura, 42, brodkaster ng DYME at dating kumander ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ilan sa mga nakasaksi sa insidente ay namataan ang ilang armadong lalaki na papalakad na tumakas na animo’y walang nangyari na posibleng estilo ng mga rebelde kapag may mission test.

Napag-alaman kay P/Chief Supt. Jaime Lasar na may 100 metro pa lamang nakalalayo ang biktima mula sa pinapasukang istasyon ng radyo nang ratratin ng mga armadong lalaki.

Dalawang anggulo ang sinisilip ng pulisya na maaaring naging motibo ay ang posibilidad na may bahid politika at ang ikalawa ay kagagawan ng mga rebeldeng NPA.

Napag-alaman pa sa ulat na matatagpuan ang nasabing radio station sa compound na pag-aari ng pamilya Espinosa.

Nabatid pa na ang biktima ay kritiko ni Masbate Governor Tony Co at supporter naman ni Congressman Fortus Satchon na posibleng kumandidato sa pagka-gobernador. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Casulla)

vuukle comment

CHIEF SUPT

CONGRESSMAN FORTUS SATCHON

ED CASULLA

JAIME LASAR

JOY CANTOS

LEGAZPI CITY

MASBATE CITY

MASBATE GOVERNOR TONY CO

NAPAG

NELSON NADURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with