^

Probinsiya

Tiyo ni Kumander Hapilon ng ASG dakip

-
CAMP AGUINALDO – Bumagsak sa tropa ng militar ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group na tiyuhin ni Commander Isnilon Hapilon sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Basilan kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Philippine Army Chief, Major General Efren L. Abu, nakilala ang naarestong bandido na si Jojo Insani na tauhan at tiyuhin ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon na may patong sa ulo ng P5 milyon at aktibong nag-o-operate sa iba’t ibang lugar sa nasabing lalawigan.

Naaresto ang bandido dakong alas-7:30 ng gabi sa bahagi ng Sitio Kasansangan, Matikan, Lantawan, Basilan ng pinagsanib na tropa ng Army’s 103rd Infantry Brigade, 24th Special Forces Company at 37th Special Forces Company.

Si Insani ay sangkot sa pagdukot ng 15 trabahador sa Golden Harvest Farm sa Lamitan, Basilan at dalawa ang brutal na pinugutan noong 2001 at iba pang hindi makataong gawain.

Kasalukuyan nang isinasailalim sa masusing tactical interrogation ng 103rd Brigade ng Philippine Army si Insani sa Lumbang, Isabela City at nakatakda nang iharap sa paglilitis ng korte kaugnay ng kinakaharap nitong mga kasong kriminal. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BASILAN

COMMANDER ISNILON HAPILON

GOLDEN HARVEST FARM

INFANTRY BRIGADE

ISABELA CITY

ISNILON HAPILON

JOJO INSANI

JOY CANTOS

SPECIAL FORCES COMPANY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with