Binata tinodas sa sayawan
November 11, 2003 | 12:00am
GUINYANGAN, Quezon May posibilidad na babae ang pinagmulan ng rambulan ng magkalabang grupo ng kalalakihan na ikinasawi ng isa habang tatlo naman ang malubhang nasugatan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Si Nestor Cuentas, 20, binata ay idineklarang patay sa Quezon Memorial Hospital dahil sa tinamong saksak sa dibdib, samantalang ginagamot naman sina Medel Escamillas, 19; Edgardo de la Cruz, 18 at Arsenio Gabay, 21. Tinutugis naman ang suspek na si Rolando Ros Jr., 23 ng Barangay Poblacion.
Napag-alaman sa pagsisiysat ng pulisya na dumating sa sayawan ang suspek na lango sa alak at walang pasabing inundayan ng saksak ang biktima habang nagsasayaw hanggang sa magkaroon ng kaguluhan na umabot sa rambulan ng magkalabang grupo. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended