^

Probinsiya

2 Abu, sundalo patay sa labanan

-
CAMP AGUINALDO – Madugo ang naganap na engkuwetro sa pagitan ng tropa ng militar at grupo ng Abu Sayyaf sa liblib na kagubatan ng Basilan na ikinasawi ng dalawang bandido at isang kawal ng militar kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng dalawang Sayyaf habang pansamantala naman itinago ang pangalan ang nasawing sundalo na hindi pa naipagbibigay alam sa kanyang pamilya.

Hindi naman nabatid ang pangalan ng dalawang nasugatang sundalo mula sa 32rd Infantry Battalion.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang engkuwentro dakong alas-9 ng gabi habang nagsasagawa ng combat patrol ang tropa ng militar sa Barangay Gulong, Sumisip, Basilan.

Umugong ang malalakas na putok mula sa ibat’ ibang bahagi ng nabanggit na barangay hanggang sa mahawi ang makapal na usok at lumantad ang tatlong bangkay.

Nagsiatras naman ang grupo ng Sayyaf matapos na matunugang may nalagas sa kanilang grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

BARANGAY GULONG

BASILAN

CAMP AGUINALDO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KASALUKUYAN

MADUGO

NAGSIATRAS

SAYYAF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with