Ex-jailguard itinumba
November 4, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Binaril at napatay ang isang retiradong jail guard ng hindi kilalang armadong lalaki habang ang biktima ay nagpapahinga sa sariling bahay sa Barangay Blensong, Upi, Maguindanao kamakalawa.
Sapol sa ulo at walang buhay na bumulagta ang biktimang si Eduardo Diaz, samantalang hindi naman agad nakilala ang killer na pinaniniwalaang may matinding galit.
Base sa ulat ng pulisya sa isinumite sa Camp Crame, sinamantala ng suspek na nag-iisa ang biktima sa sariling bahay saka isinagawa ang krimen.
Kasalukuyan naman inaalam ng pulisya ang naging motibo ng pamamaslang at walang testigong lumutang sa takot na pagbalingan ng killer. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 10 hours ago
By Victor Martin | 10 hours ago
By Omar Padilla | 10 hours ago
Recommended