^

Probinsiya

Atake ng NPA: 3 pulis patay, 1 grabe

-
Malolos, Bulacan –Humabol sa Undas ang tatlong pulis habang isa pa ang grabeng nasugatan makaraang lusubin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang istasyon ng pulisya sa panibagong insidente ng paghahasik ng terorismo sa Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Ito’y sa gitna na rin ng idineklarang 5 araw na red alert umpisa nitong Oktubre 29 ng tanghali ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr. kaugnay ng paggunita sa Undas. Kinondena ni Ebdane ang naganap na pag-atake kasabay ng mahigpit na direktiba na maging alerto at tugisin ang naturang grupo ng mga rebelde.

Dead on the spot sa insidente ang mga biktimang sina SPO1 Roberto Dinglasan, PO3 Leonardo Paulino at PO1 Teodorico Collado; pawang nakatalaga sa Maritime Police Station na nakabase sa Sto. Niño sa bayan ng Hagonoy.

Patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang sugatang si PO3 Dominador Perlas na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Base sa imbestigasyon, mahigit 14 armadong rebelde na pawang nakasuot ng kulay asul na police camouflage at lulan ng isang Mitsubishi Adventure van na may plakang WLH 161 ang lumusob sa nasabing istasyon ng pulisya bandang 9:30 ng gabi nitong Huwebes.

Sunud-sunod na pagpapaulan ng putok ang pinakawalan ng mga rebelde sa nasabing istasyon ng pulisya at ilang saglit pa ay niransak ang nasabing himpilan saka mabilis na tumakas lulan ng dalawang bangka na naghihintay sa pampang ng isang ilog.

Kabilang sa natangay ng mga rebelde ay pitong M16 rifles, isang .45 caliber pistol at isang .38 caliber revolver. (Ulat ni Efren Alcantara)

BULACAN

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

DOMINADOR PERLAS

EFREN ALCANTARA

HAGONOY

LEONARDO PAULINO

MARITIME POLICE STATION

MITSUBISHI ADVENTURE

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with