Opisyal ng LRA patay sa ambush
October 24, 2003 | 12:00am
CALAMBA CITY, Laguna Tinambangan at napatay ang isang opisyal ng Land Registration Authority (LRA) ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki habang ang biktima ay nasa harap ng Registry of Deeds office sa Barangay 2 ng lungsod na ito kahapon ng umaga.
Walong bala ng 9mm baril ang tumapos sa buhay ni Josefino Maquinay, LRA record officer III, ng A. Mapalad St., Barangay Manuhay, Carmona, Cavite matapos na banatan ng dalawang nakamotorsiklo bandang alas-9:05 ng umaga.
Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na bibitbitin sana ng biktima ang galon ng mineral water mula sa likuran ng sariling kotseng Honda Civic (UFC 356) nang upakan ng dalawang armadong lalaki.
Agad naman isinugod ang biktima sa Calamba Medical Center para maisalba ang buhay nito pero idineklarang patay dahil na rin sa maseselang tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sinabi naman ni Lito Maguinay, pinsan ni Josefina na naikuwento ng asawa ng biktima na may pagbabanta sa buhay nito bago pa maganap ang pananambang.
"Maaaring may koneksiyon sa trabaho ng biktima ang motibo at maaaring umaareglo sa kanya tungkol sa lupa na hindi niya mapagbigyan," dagdag pa ni Lito.
Nabatid pa na ang biktima ay isa sa masugid na political leader ni Cavite Governor Ayong Maliksi simula noong 1996 bago pa naganap ang pamamaslang.
Kasalukuyan naman sinisilip ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang pananambang. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended