^

Probinsiya

Aide ni Roilo Golez pinatay sa loob ng bahay

-
ANGELES CITY, Pampanga – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya na pinaniniwalaang aide ni Roilo Golez ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa bahay ng biktima sa Plaridel I Subdivision, Barangay Malabanias sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Hindi na nakapanlaban pa ang biktimang si SPO3 Edgar Arimbuyutan, 47, miyembro ng Civil Security Group (CSG) na nakabase sa Camp Crame at residente ng 40 Bonifacio St. ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni P/Insp. Angel Alicante na isinumite kay P/Sr. Supt. Jimmy Restua, police director, binuksan ng katulong ang pintuang bakal ng garahe para pumarada ang sasakyan ng biktima.

Dito sinamantala ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki ang pagpasok ng biktima sa garahe saka pinaputukan ng sunud-sunod hanggang sa duguang bumulagta, ayon pa sa pulisya.

Matapos isagawa ang krimen dakong alas-5 ng hapon ay agad na tumakas tangay ang motorsiklo ng anak ng biktima at pinaharurot sa hindi nabatid na direksiyon.

May teorya naman ang pulisya na pawang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nagsagawa ng pamamaslang dahil sa puntirya ay pawang mga kagawad ng pulisya.

Sinisilip din ang anggulong bawal na droga ang isa sa dahilan ng krimen dahil naglingkod din ang biktima sa Narcom at may nasagasaang malalaking sindikato ng droga. (Ulat ni Pesie Miñoza)

vuukle comment

ANGEL ALICANTE

BARANGAY MALABANIAS

BONIFACIO ST.

CAMP CRAME

CIVIL SECURITY GROUP

EDGAR ARIMBUYUTAN

JIMMY RESTUA

NEW PEOPLE

PESIE MI

PLARIDEL I SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with