^

Probinsiya

Konsehal hinataw ng baril ng vice mayor

-
SAN ILDEFONSO, Bulacan – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang vice mayor ng bayang ito makaraang mag-wala sa session hall habang nagpupulong at hatawin ng bag na may lamang baril, ang isang konsehal noong nakalipas na linggo.

Kasalukuyang hinahanap ng pulisya ang suspek na si Vice Mayor Juan "Johnny" Magbitang ng Barangay Poblacion, San Ildefonso, Bulacan makaraang sampahan ng kaukulang kaso ni Konsehal Bonifacio Bade na pumutok ang kilay matapos ang pangyayari.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang baril na ginamit ng suspek ay walang kaukulang dokumento at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms.

Nabatid sa ulat ng pulisya na nairita si Magbitang sa tinatanong ni Bade tungkol sa ginawang walang pahintulot na paggamit ng selyo ng Sangguniang bayan para sa sariling proyekto.

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magwala si Magbitang habang nagpupulong sa session hall at kinuha nito ang bag na may baril saka inihataw sa mukha ng biktima.

Namagitan naman ang ilang kagawad ng pulisya kaya napigilan ang sumunod pang pangyayari. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BARANGAY POBLACION

BULACAN

DITO

EFREN ALCANTARA

KASALUKUYANG

KONSEHAL BONIFACIO BADE

MAGBITANG

SAN ILDEFONSO

VICE MAYOR JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with