^

Probinsiya

Kalaguyo ni misis todas kay mister

-
Camp Pantaleon Garcia, Imus, Cavite – Hindi nakaligtas sa matinding galit ng isang mister ang kalaguyo ng kaniyang misis na napaslang nito sa saksak matapos na magkrus ang kanilang landas sa bayan ng Tanza ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Dead on the spot matapos magtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Lito Arica, 35, residente sa lugar.

Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Bimbo Regalado, nasa hustong gulang matapos itong mabilis na tumakas.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Celino Javier may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas 7 ng umaga matapos na magkasalubong ang biktima at ang suspek sa Brgy. Bagtas sa nasabing bayan.

Nabatid na ang suspek ay inabandona ng kaniyang misis na sumama sa biktima kaya’t mula noon ay nagtanim na ng matinding poot ang una sa kalaguyo ng kaniyang asawa kung saan nang magkita ay nauwi sa madugong insidente. (Ulat ni Christina Go-Timbang)

vuukle comment

BAGTAS

BIMBO REGALADO

BRGY

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CELINO JAVIER

CHRISTINA GO-TIMBANG

LITO ARICA

NABATID

PINAGHAHANAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with