^

Probinsiya

MILF sisiyasatin sa pagkanlong kay Al-Ghozi

-
Pinaiimbestigahan na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbubulgar ng naarestong puganteng si Abu Sayyaf bomb expert Omar Opik Lasal na ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nagkanlong sa kanila ni Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi.

Ayon kay AFP Vice Chief of Staff at Spokesman Lt. Gen. Rodolfo Garcia, hindi sila maaaring basta na lamang maniwala sa sinabi ni Lasal hangga’t hindi nila natitiyak kung may katotohanan ang sinasabi ng nasabing bomb expert.

Gayundin, kailangan umano ng pruweba hinggil sa sensitibong usaping tulad nito.

Sinabi ni Garcia na posibleng makasira sa isinusulong na pagpapatuloy muli ng naudlot na peace talks sa pagitan ng GRP at MILF peace panels kung sakaling paniniwalaan nila agad ang ibinulgar ni Lasal nang walang isinagawang karampatang imbestigasyon.

Base sa pagbubulgar ni Lasal, simula nang tumakas sila nina Al-Ghozi at ng isa pang napaslang niyang kasamang Abu Sayyaf na si Abdulmukim Edris ay rebeldeng MILF na ang nagkanlong sa kanilang tatlo sa pagpapalipat-lipat ng taguan sa iba’t ibang panig ng Mindanao habang tinutugis ng militar at pulisya.

Ayon pa kay Garcia, hindi naman nila minamaliit ang mga pahayag ni Lasal tulad na lamang ng pahayag nito na isa siyang ahente ng militar kung kaya’t magsasagawa sila ng imbestigasyon para hindi sila magkamali.

Magugunita na si Al-Ghozi kasama sina Lasal at Edris ay pumuga sa Camp Crame noong Hulyo 14, 2003. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABDULMUKIM EDRIS

ABU SAYYAF

AL-GHOZI

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CAMP CRAME

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

GARCIA

JOY CANTOS

LASAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with