^

Probinsiya

Barangay tanod kinatay

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City - Pinagtulungang tagain at saksakin hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na barangay tanod ng tatlong lango sa alak makaraang rumesponde ang biktima sa naganap na gulo sa Barangay Balocawe sa bayang ito kamakalawa ng gabi. Animo’y kinatay na alagang hayop ang biktimang si Apolinario Arma, may asawa, mangingisda, samantalang ang tatlong suspek na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang sina Wilfredo Visantino, 40, magsasaka; Sonny Barruga, 26, obrero at Edmund Bregonel, 22, mangingisda at pawang residente ng Uson, Masbate. Sa pagsisiyasat ng pulisya, rumesponde ang biktima sa kaguluhang nagaganap sa kanilang barangay dakong alas-8 ng gabi. Tinangkang payapain ng biktima ang mga senglot na suspek pero pinagtulungang patayin, gayunman, agad naman dinakip ng mga opisyal ng barangay ang tatlo. (Ulat ni Ed Casulla)

APOLINARIO ARMA

BARANGAY BALOCAWE

ED CASULLA

EDMUND BREGONEL

LEGAZPI CITY

MASBATE

PINAGTULUNGANG

SONNY BARRUGA

TINANGKANG

WILFREDO VISANTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with