9 pulis, 2 Cafgu pararangalan
October 15, 2003 | 12:00am
CAMP WENCESLAO Q. VINZONZ SR., Camarines Norte Siyam na kagawad ng pulisya at dalawang kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na nakipagbarilan sa mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na sumalakay sa munisipyo at himpilan ng pulisya sa San Lorenzo Ruiz ang pararangalan ngayon.
Pangungunahan nina P/Senior Supt. Florencio Magundayao, provincial director at P/Chief Supt. Jaime Lasar, regional police director na pagkakalooban ng parangal sina P/Sr. Insp. Rogelio Beraquit, police chief; SPO4 Vicente Carillo, deputy chief; SPO4 Elmer Ramores, SPO1 Porferio Isaac Jr., SPO1 Rizaldy Balane, PO2 Antonio Yuson, PO2 Nestor Pajares Jr., PO2 Ireneo Mendoza, PO1 Marlon Calubaquib at dalawang CAFGU na sina Julio Alvarez at Rodrigo Ilagan.
Si Alvarez na miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ay unang nakipagbarilan sa mga sumalakay na rebelde sa munisipyo at presinto ng San Lorenzo Ruiz na unang napaulat sa pahayagang ito na inakalang kasapi ng New Peoples Army (NPA).
Ang mga pinarangalang siyam na kagawad ng pulisya at dalawang CAFGU ay lumaban at nakipagbarilan sa mga rebelde para ipagtanggol ang munisipyo at presinto ng San Lorenzo Ruiz.
Bagamat aabot sa P.5 milyong ari-arian ang nawasak ay hindi naman naging matagumpay ang mga rebelde na masakop ang nasabing munisipyo at presinto ng pulisya dahil sa ipinakitang katapangan ng siyam na pulis at dalawang CAFGU. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest