P 10 M puslit na alak nasabat
October 3, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY, Freeport Umaabot sa P10 milyon imported smuggled white wine ang nasabat ng mga operatiba ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) lulan ng van makaraang tangkaing ipuslit palabas ng Freeport kahapon ng umaga.
Sa isinumiteng ulat ni ESS-CPD Chief for Operations Capt. Marlon Alameda kay Customs Police District commander Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, lulan ng aluminum van (GNK-233) ang 430-kahon na naglalaman ng imported na green plum wine nang masabat ng customs police agents dakong alas-10:00 ng umaga kahapon sa may Barangay Kalaklan, 1st Street, Olongapo City ilang sandali matapos ipuslit palabas ng Kalaklan entry/exit gate ng Subic Freeport Zone.
Ayon kay Alameda, ang mga puslit na kargamento na may kabuuang 5,160 piraso ng botelyang white wine (750ml) ay inimport mula sa China ng Mexxon Company, isang rehistradong locator dito sa naturang Freeport.
Sinabi pa ni Alameda na walang maipakitang kaukulang dokumento ang driver na si Jimmy Go Tan kayat mabilis na kinumpiska ang kargamento.
Sa inisyal na pagsisiyasat, inamin ni Tan na siyay inatasan lamang ng isang nagngangalang Mr. Ngo na tumungo sa bodega ng Mexxon Company building 391 sa loob ng Freeport at kunin lahat ang nakatago at nakaimbak na mga alak at kaagad na ideliver sa isang malaking bodega sa Olongapo City.
Ang nakumpiskang mga alak ay dinala sa Auction and Cargo Disposal Unit (ACDU) ng Customs Clearance Area (CCA) para sa safekeeping kasabay na nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si Subic Customs Collector Atty. Alexander Arcilla laban sa mga smuggled contrabands. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Tony Sandoval | 10 hours ago
Recommended