^

Probinsiya

11 katao dinukot sa Laguna

-
CAMP CRAME – Pinawi kahapon ng pulisya ang mga haka-haka na mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang nasa likod ng pagdukot sa 11-katao kabilang ang pinsan ni Interior and Local Government Secretary Joey Lina at pulis-Makati sa naganap na insidente sa Laguna noong Biyernes.

Ito ang nabatid kahapon base sa isinumiteng imbestigasyon ni Police Regional Office (PRO) 4 Director P/Chief Supt. Jaime Karingal sa tanggapan ni PNP Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr.

Ayon kay Karingal, hindi maituturing na mga rebeldeng NPA ang dumukot sa mga biktima kundi isang organisadong sindikatong kriminal.

Kabilang sa mga kinidnap na biktima ay ang sinasabing pinsan ni Lina na si Mauro Lina, 34; PO3 Francisco Mercado, 38, ng Drug Enforcement Unit ng Makati Police; Rommel Uruga, 40; restaurant owner sa Makati City; Victoriano Maitim, 38, anak na lalaki ng big time taxi operator; Rowel Medel, 30; Fando Ramos, 40, na isa namang kilalang contractor at iba pa.

Ang mga biktima ay dinukot nitong nakalipas na Biyernes ng hatinggabi ng mga armadong kalalakihan na nagsagawa ng checkpoint sa Brgy. Balay Hangin, Calauan, Laguna.

Nadiskubre lamang ang insidente matapos na iulat sa mga awtoridad nang nakatakas na biktimang si Merlindo Cruz.

Nabatid na ang mga biktima ay lulan ng Tamaraw FX na di nakuha ang plaka at L300 van na may plakang TKL 271 patungong San Pablo City nang harangin at puwersahang tangayin ng mga suspek na armado ng malalakas na kalibre ng baril. Ang mga biktima ay isinakay sa Revo van na walang plaka.

Sinabi ng opisyal na imposibleng makapagsagawa ng checkpoint sa lugar ang mga rebeldeng komunista.

Ipinaliwanag pa nito na hindi rebel infested area ang nasabing lugar kaya’t malabo ang hinalang mga rebelde ang kumidnap sa mga biktima. Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations upang ligtas na mabawi ang mga kinidnap. - (Ulat ni Joy Cantos)

BALAY HANGIN

BIYERNES

CHIEF P

CHIEF SUPT

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

DIRECTOR P

DRUG ENFORCEMENT UNIT

FANDO RAMOS

FRANCISCO MERCADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with