Ambush: 4 sundalo todas
September 29, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Apat na sundalo ang nasawi makaraang umatake ang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang nagsasagawa ng humanitarian mission ang mga kawal ng pamahalaan nitong Sabado ng hapon sa Ligao City, Albay.
Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina Sgt. Bernabe Basilio, Cpl. Rodelio Oberos, Pfc. Gil Toledo at Pfc. Guillermo Dinglasan; pawang kasapi ng Armys 31st Infantry Battalion na nakabase sa Sipocot, Camarines Sur.
Ang bangkay ng mga nasawing sundalo ay dinala na sa Oro Funeral Homes sa Legaspi City, Albay para sa kaukulang paghahatid sa mga ito sa kanilang huling hantungan.
Base sa ulat na natanggap kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, sinorpresa ng mga umatakeng rebelde ang tropa ng Armys 22nd Infantry Battalion at 31st IB habang nagsasagawa ng Social Investigation Community Activities (SICA) sa Brgy. Oma-Oma, Ligao City bandang alas-3:30 ng hapon.
Nabatid na tinatayang may 20 rebelde ang umatake sa tropa ng militar na bagaman nasorpresa ay agad gumanti ng putok sa mga kalaban.
Tumagal ng may 30 minuto ang palitan ng putok kung saan bago tuluyang nagsitakas ay puwersahang pinasok pa ng mga rebelde ang makeshift quarters ng mga sundalong nagsusuperbisa sa proyekto sa lugar at tinangay ang pitong M16 rifles.
Pinaniniwalaan namang marami rin ang nasugatan sa panig ng mga rebelde base sa nakitang mga patak ng dugo sa lugar na dinaanan ng mga ito sa pagtakas. (Ulat nina Joy Cantos/Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended