P.7-M isda na ginamitan ng dinamita nasabat
September 23, 2003 | 12:00am
PANGASINAN Aabot sa P.7 milyon ibat ibang uri ng isda na ginamitan ng dinamita ang kinumpiska ng mga tauhan ng pulisya at BFAR personnel matapos na masabat ang dalawang trak sa national highway na sakop ng Barangay Carmen, Rosales, Pangasinan noong Biyernes ng madaling-araw.
Ayon sa ulat na nakarating kahapon sa Pangasinan PNP provincial office, ang mga isdang palapal, bangus, tamban, galunggong at amboy na pinaniniwalaang ginamitan ng dinamita ay kinumpiska matapos na suriin ni PO3 Jimmy Alcaparaz, fish examiner na nakabase sa Alaminos City PNP.
Base sa ulat, unang nasabat ang trak (TFB-222) na minamaneho ni Pablo Omelio, 50, ng Urdaneta City na may lulan ng mga isdang nagkakahalaga ng P289, 400.
Matapos ang sampung minuto, nasabat naman ang trak na may plakang PGU-777 na minamaneho naman ni Manuel Veloria ng San Carlos City, Negros Occidental na lulan ang ibat ibang uri ng isda na P426, 400 ang halaga kapag naibenta sa merkado. (Ulat ni Cesar Ramirez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest