^

Probinsiya

Holdaper nabuking sa laruang baril

-
URBIZTONDO, Pangasinan – Bugbog sarado sa taumbayan ang isang holdaper matapos mabuking ng kanyang hinoholdap na isang laruan ang baril nito kamakalawa ng hapon.

Ang suspek na si Ricky Ventura ng New Magallanes,Tayug ay puwersahang pinasok ang bahay ng barangay kagawad na si Nieves Doria, dakong alas-4:20.

Pagkapasok nito sa bahay ay tinutukan nito ang biktima at inutusan na ilabas ang mga alahas nito at pera.

Hindi nasiraan ng loob si Doria na humingi ng tulong at nagkataon na nandoon ang kanyang anak na si Jun at pinalo ang kamay ng suspek na naging dahilan para bumagsak ang baril nito sa semento at nabasag.

Dito napag-alaman na laruan lamang ang baril ng suspek kaya naman dinamba ito ng mga kapitbahay ng biktima saka pinagpapalo. (Ulat ni Eva Visperas)

vuukle comment

BUGBOG

DITO

EVA VISPERAS

NEW MAGALLANES

NIEVES DORIA

PAGKAPASOK

PANGASINAN

RICKY VENTURA

TAYUG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with