^

Probinsiya

Trader nikawan,dinedo

-
CAMP CRAME – Ninakawan at pinagbabaril pa hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na negosyante ng tatlong mandurugas makaraang pasukin ang bahay ng biktima sa Barangay Magugpo East, Tagum City, Davao del Norte kamakalawa.

Idineklarang patay sa Davao Regional Hospital ang biktimang si Leo Embuscado ng Purok Talisay, Zafra Compound ng nabanggit na barangay.

Naitala ng pulisya ang krimen bandang alas-3 ng madaling-araw matapos na lagariin ang grills sa likurang bahagi ng bahay ng pamilya Embuscado.

Nang makapasok sa bahay ang mga mandurugas ay agad na ginapos ang asawa ng biktima na si Anita at anak na si Lhian Jene, walong taong gulang.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, matapos na malimas ang lahat ng mahahalagang gamit at pera ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima saka nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)

ANITA

AYON

BARANGAY MAGUGPO EAST

DAVAO REGIONAL HOSPITAL

JOY CANTOS

LEO EMBUSCADO

LHIAN JENE

PUROK TALISAY

TAGUM CITY

ZAFRA COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with