^

Probinsiya

Mayor, 10 konsehal sa Bulacan sabit sa P75-M anomalya

-
NORZAGARAY, Bulacan – Posibleng maharap sa kasong administratibo at kriminal ang alkalde ng bayang ito at sampung konsehal matapos na magsampa ng reklamo ang Vanguard Anti-Graft Task Force tungkol sa isyu ng P75 milyong lupa na tinayuan ng pamilihang bayan sa Barangay Partida ng naturang lugar.

Ang inireklamong mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay nakilalang si Mayor Feliciano Legaspi, mga konsehal na sina Florencio Saplala, Santiago Ramos, Teodoro Gener, Patrick Gener, Honorato Cruz, Danilo Bayo, Bunso Santos, Erlinda Sombillo, SK Chairman Vanessa Palad at ABC President Baltazar Espiritu.

Sa 2-pahinang isinumiteng reklamo sa pangunguna ni Vanguard Anti-Graft Task Force secretary-general Atty. Ely Convocar, nakasaad na inaprobahan ng Sangguniang Bayan na nilagdaan naman ni Mayor Legaspi ang resolusyon sa pagpapalabas ng P15 milyong pondo mula sa kaban ng bayan ang ibinayad sa ektaryang lupa na pag-aari ng pamilya Santos-Halili habang P60 milyon naman ang inutang sa PNB para sa pagpapagawa ng palengke.

Subalit matapos ang proyekto ay natuklasan ng nasabing task force na aabot lamang sa P9 milyon ang ibinayad sa pamilya Santos-Halili at ang P30 milyon naman ang nagastos sa pagpapatayo ng palengke.

Mariing pinabulaanan naman ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Norzagaray ang isinampang reklamo laban sa kanila at nagsabing ligal lahat ng mga papeles sa proseso ng bilihan ng lupa at pagpapagawa ng palengke. (Ulat ni Efren Alcantara)

BARANGAY PARTIDA

BUNSO SANTOS

CHAIRMAN VANESSA PALAD

DANILO BAYO

EFREN ALCANTARA

ELY CONVOCAR

ERLINDA SOMBILLO

FLORENCIO SAPLALA

HONORATO CRUZ

VANGUARD ANTI-GRAFT TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with