3 todas sa bumaligtad na trak
September 9, 2003 | 12:00am
QUEZON Tatlong pahinante ang iniulat na namatay, samantalang malubhang nasugatan naman ang drayber matapos na mawalan ng kontrol at bumaligtad ang cargo track na kanilang sinasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Malinao Ilaya, Atimonan, Quezon kamakalawa ng umaga.
Sa ulat na nakarating kay Quezon police director Police Senior Superintendent Federico Terte, kinilala ang mga namatay na sina Edgardo Villavicencio, 22, ng Pasig City; Joseph Magbanua, 25, ng Malolos, Bulacan; at Joseph Mendoza, 30 ng Pasig City.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Doña Marta Hospital ang drayber na si Pablito Velasco, 28, ng Cainta, Rizal.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Godofredo Patinio, bandang alas-9:45 ng umaga nang bumabagtas ang minamanehong trak ni Velasco patungo sa Tacloban, Leyte para mag-deliver ng mga libro.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nasiraan ang makina ng trak habang mabilis na tumatakbo sa naturang highway hanggang sa tatlong ulit na bumaligtad ang sasakyan na ikinamatay ng 3 pahinante. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest