PNP blangko pa rin sa broadcaster slay
September 9, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Blangko pa rin ang pulisya sa isinagawang imbestigasyon sa napatay na kilalang lokal broadcaster at dating konsehal na si Juan "Jun" Pala sa Davao City noong Sabado ng gabi.
Sa kabila nito, sinabi ni P/Chief Supt. Isidro Peña, regional director na posibleng may bahid ng politika ang pagkakapaslang kay Pala.
Naging basehan ni Peña na ipahayag na may bahid ng politika ang krimen dahil sa walang takot na pagbatikos ni Pala sa kanyang programa sa dxGO radio station ang ilang politiko na sangkot sa anomalya.
Base sa record ng pulisya, si Pala ay nasawi matapos na ambusin ng dalawang nakamotorsiklong hindi kilalang lalaki sa pagitan ng Vista Verde at Davao Empress Subdivision, Davao City.
Sa dalawang pananambang simula noong 2001 at nitong Abril 2003 ay nakaligtas si Jun Pala kaya naman binigyan ng dalawang escort ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Samantala, inatasan na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang PNP na magsagawa ng mas malalim na pagbusisi sa naganap na krimen.
Ipinaabot naman ng Pangulo sa pamilya Pala ang pakikiramay at sinuportahan ang obserbasyon ng mga organisasyon ng media. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended