Saksi sa pagpatay sa tulak, tinodas
August 20, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME May posibilidad na ang pagiging pangunahing saksi sa pagkakapatay sa isang drug pusher ay naging dahilan para patahimikin ang isang 65-anyos na lola sa Purok Lapu-Lapu, Barangay Dawis, Digos City, Davao del Sur kamakalawa.
Isang tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ni Leonila Umungos matapos na barilin ng hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang kasapi ng vigilante.
Malaki ang paniniwala ng pulisya na si Umungos ay nakasaksi sa pagpatay kay Gilbert Manguat, 23, noong Sabado.
Nabatid na si Manguat ay sangkot sa pagtutulak ng bawal na droga sa Digos City at karatig pook.
May teorya ang mga awtoridad na pinatahimik ang matanda para hindi maikanta sa pulisya ang pagkakakilanlan ng mga killer. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest